Kahapon, nag exposure trip kami sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. At hindi lang kung saan saan lang, sa may Maximum Security Compound pa kami- yun yung kulungan para sa mga taong may 20 taon pataas na sentensya. Noong una, akala ko magulo at marumi at maingay yung Bilibid. Kung ano ang nakikita ko sa pelikula, eh yun yung pinaniwalaan ko. Hindi pala, mali lahat na aking naiisip. Ang Maximum Security Compound ng Bilibid ay parang isang barangay o komunidad, may mga basketball courts, ospital, parke, market, tindahan at siyempre mga simbahan ng iba't ibang relihiyon. Nakakatuwang isipin na medyo malaya sila kumpara sa mga naiisip ng mga tao. Kasi doon 6am-6pm pwede silang maglakad at gawin ang kahit ano basta nasa loob lang sila ng compound. At yung mga tao doon ay mababait. Habang naglalakad kami at nag-uusap sa kanila, hindi namin maisip na sila ay mga rapist, mamamatay tao, drug lords, holdapper at iba pa. Siyempre, hindi maiiwasan ang konting kaba, lalo na kung iisipin ay kahit isang pulis ay wala kaming kasama sa pag pasok at pag-iikot. Isa ito sa mga trips ko na nagmulat sa akin sa katotohanan ng isang kulungan. Mukha namang ok ang buhay nila sa loob, pero hindi ko ninanais na mapabilang sa 12,000 bilanggo na doon ay naghihintay ng muling paglaya.
Nais ko rin ibahagi na ako ay sobrang na antok noong trip na iyon. Kasi naman, hindi talaga ako natulog noong gabi. Nanood kami ng American Pie 4 sa bahay ni doryll, kasama sila nescy, jr at ate ka. Noong 3am naman ay biglang nag "IC" kami ni nescy at nag-usap tungkol sa buhay, atsca, acads at syempre love. Hindi namin namalayan ng 5:30 am na pala. So uwi muna kami, ligo then Xavier Hall na by 6:30am. Tapos pa Bilibid na. Antok at pagod ang naghari sa akin sa araw na yun. Nakita ko rin pala yung mag sikat na taga Bilibid na sina Cong. Jalosjos at Mayor Sanchez. Ang laki ng "kulungan' ni congressman, may orchids garden pa, tila yata parang bahay bakasyonan lang.
Meron pala akong na kausap na inmate. Chris pangalan niya at 23 years old na siya. Isa siya holdapper at magnanakaw sa Cubao noon. Ngayon, isa na siyang nagbabalik Panginoon. Sakristan siya sa misa at tumutulong sa mga gawaing pang simbahan sa Bilibid. 6 years na rin siyang nakakulong. Hindi ko inaasahan na marami akong matutunan sa kanya. Marami siya tinuro sa akin tungkol sa buhay at sa Diyos. Nais na talaga niyang magbago at sabi ka niya, kung pwede naman ngayon magbago, bakit hindi. Oras ang pinakamahalaga sa kanya. Kung pwede namang sabihing 'I LOVE YOU' sa ating mga magulang, bakit hindi. Hindi daw naman natin alam ang mangyayari sa kinabukasan. Yun yung ilan lamang sa mga sinabi niya. Alam ko na ito noon pa, pero habang nagsasalita siya tila narinig ko lang yun sa unang pagkakataon. Iba lang ang dating sa akin. Sa dinami ba naman ng tao sa mundo, siya pa, isang bilanggo, isang dating criminal ang magtuturo sa akin sa buhay at mag papaalala sa kabanalan at pag-ibig ng Diyos. Hinahanga ko siya, sana lahat ng inmates tulad niya.
Yun muna para sa ngayon. Sana lahat sila ay makalaya na at syempre sana magbago na sila at mapalapit sa Diyos tulad ni Chris. At sana rin huwag silang husgahan ng tao pag laya nila.
*nina at ros, aking mga cell leaders, 99% Filipino na ito... hehehe
Sunday, February 12, 2006
the bilibid experience
Sunday, February 12, 2006
No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment